FAQ

Ano ang isang platform sa pag-trade?

Kombinasyon ito ng hardware at software na nagbibigay-daan sa mga user (mga trader) na mag-trade at nagbibigay sa mga ito ng access sa impormasyon tungkol sa mga market pampinansyal.

Kailangan ko bang mag-download ng anumang software sa aking PC sa pag-trade?

Hindi, ang dapat mo lang gawin ay ang magbukas ng isang account sa site ng OLYMPTRADE

Paano ko makikita ang aking history sa pag-trade?

Maaari mong tingnan ang history ng iyong pag-trade sa iyong Dashboard sa seksyon "Mga Trade".

Ano ang oras na ipinapakita sa platform?

Ang oras na ipinapakita sa platform ay ang oras ng user (ayon sa iyong time zone).

Bakit hindi agad nagbubukas ang trade?

Karaniwang tumatagal nang ilang segundo para matanggap ang data mula sa server, kaya hindi agad bumubukas ang trade. Kadalasang tumatagal ang prosesong ito ng 4 na segundo.

Ano ang gagawin ko kung magkaroon ng error sa server habang nilo-load ko ang platform?

Kung may mga teknikal na error, una sa lahat, inirerekomendang i-cleanup ang cache at cookies sa iyong browser. Dapat mo ring tingnan na ang pinakabagong bersyon ng naka-install na browser ang ginagamit. Kung hindi nakatulong ang mga pagkilos na ito at pagre-reload sa page at hindi pa rin nalulutas ang error, makipag-ugnayan sa departamento ng teknikal na suporta.

Anong oras ng araw ang itinuturing na pinakaaktibong oras ng pag-trade?

Nakadepende ang aktibidad ng pag-trade sa currency sa oras ng operasyon ng mga pangunahing silid ng pag-trade at tumataas kapag lumabas ang malalaking balita sa ekonomiya. Ang mga pinakaaktibong sesyon ng pag-trade ay ang sesyon ng Europe at America, kaya, halimbawa, tumatagal ang sesyon ng Europe mula 6:00 am hanggang 3:00 pm UTC. Tumatagal ang sesyon ng US mula 1:00 pm hanggang 10:00 pm UTC.

Pakitandaang nagaganap ang pag-trade sa pares ng currency na USD / RUB mula 7:00 am hanggang 5:00 pm UTC.

Mayroon bang demo account?

Nag-aalok kami ng demo account na may 10,000 virtual unit ng iyong currency para masuri mo ang mga benepisyo ng aming platform sa pag-trade.

Ano ang minimum na halaga ng pag-trade?

Ang minimum na halaga ng pag-trade sa OLYMPTRADE ay $1 $ / €1 & (depende sa currency ng iyong account).

Ano ang maximum na halaga ng pag-trade?

Ang maximum na halaga ng pag-trade ay $2000 $ /€2000 (depende sa currency ng iyong account).

Ang maximum na halaga ng pag-trade para sa mga VIP na kliyente ay $5000 $ / €5000 & (depende sa currency ng account).

May anuman bang limit sa mga posisyon?

Ang maximum na pag-trade bawat instrumento para sa mga regular na kliyente ay $10,000 / €10,000 & (depende sa currency ng account).

Ang maximum ng pag-trade bawat instrumento para sa mga VIP na kliyente ay $10,000nbsp;/ €10,000 & (depende sa currency ng account).

Ang maximum na halaga ng pag-trade sa lahat ng asset sa pag-trade para sa lahat ng user ay $20,000 / €20,000 & (depende sa currency ng account).

Ano ang line chart?

Ito ay isang uri ng tuloy-tuloy na chart na batay sa feed ng presyo. Kinakatawanan ng chart na ito ang linear na kaugnayan sa palitan ng mga quote na patuloy na nagbabago para sa mga exchange-traded na asset. Online na na-plot ang chart.

Ano ang candlestick chart?

Ito ay isang uri ng chart na gumagamit ng mga Japanese candlestick sa pagbubuo nito. Bumubuo ito ng mga anyong candlestick batay sa data para sa isang partikular na agwat ng oras (time frame). Halimbawa, ang isang kandilang may 15 segundong time frame ay nangangahulugang nabuo ang kandila sa loob ng 15 segundo at magsisimula ang isang bagong kandila pagkatapos ng yugtong ito.

May tatlong uri ng kandila:

  1. Ang berdeng kandila ay nangangahulugang tumaas ang presyo sa loob ng yugtong ito.
  2. Ang pulang kandila ay nangangahulugang bumaba ang presyo sa loob ng yugtong ito.
  3. Ang hindi nabuong kandila ay nangangahulugang hindi nagbago ang presyo sa loob ng yugtong ito.

Ang candlestick chart ay kapaki-pakinabang para sa teknikal na analysis.

Ang ang mga kandilang Heiken Ashi?

Ang mga kandilang Heiken Ashi ay isang indicator na nag-oorganisa sa candlestick chart, bumabawas sa mga pagtaas-baba ng presyo at gumagawa sa chart na maging mas malinaw at mas nakakapagbigay-kaalaman. Kapaki-pakinabang at popular ito na instrument sa mga modernong trader.

Gumagamit ang Heiken Ashi ng espesyal na formula na naglalaman ng:

  • Ang open level ng Heiken Ashi - ang average na halaga ng mga pagbubukas at pagsasarang presyo ng nakaraang karaniwang kandila (Close + Open)/2
  • Ang close level - ang average na halaga ng mga mataas, mababa, pagbubukas at pagsasarang presyo ng kasalukuyang kandila (Min+Max+Open+Close)/4;

Kung gayon, ang high ang pinakamataas na halaga sa mga pagbubukas, pagsasara at mataas na presyo ng kasalukuyang kandila; ang low ang pinakamababang value sa mga pagbubukas, pagsasara at mababang presyo ng kasalukuyan kandila.

Ang Heiken Ashi ay mayroon ng mga sumusunod na uri:

  1. Berdeng kandila na walang mas mababang anino - malakas na pataas na paggalaw
  2. Berdeng kandila na may anino - kadalasang lumalabas sa simula o sa dulo ng pataas na galaw
  3. Kandilang may maliit na katawan at mahahabang anino sa magkabilang panig - ipinapakita nito ang posibleng pagbalik ng trend.
  4. Pulang kandila - kadalasang lumalabas sa simula o sa dulo ng pababang paggalaw
  5. Pulang kandila na walang anino sa itaas - malakas na pababang paggalaw

Ang pangunahing disbentaha ng Heiken Ashi indicator ay ang lag sa hulihan ng chart ng presyo.

Ano ang time frame?

Ito ay isang time scale ng mga presyo sa platform ng pag-trade. Kung pipiliin mo ang isang time frame na 10 minuto sa line chart, makikita mo ang bahagi ng chart ng presyo sa nakalipas na 10 minuto. Kung pipiliin mo ang isang "5 minuto" na time frame sa Japanese candlestick chart, ipapakita ng bawat kandila kung paano nagbago ang presyo sa loob ng yugtong ito (kung tumaas ito, magiging berde ang kandila; kung bumaba, magiging pula ito).

Ang mga sumusunod na agwat ng panahon ay ang ginagamit sa platform: 15 segundo, 1, 5, at 15 minuto.

Ano ang zoom?

Ang zoom ay isang karagdagang feature ng chart na tumutulong sa iyong gumamit ng mas malaking halaga ng historical data sa loob ng 24 na oras. Binibigyang-daan ng feature na ito ang trader na mag-scroll pabalik sa history ng chart para sa isang partikular na panahon, mag-zoom in at mag-zoom out mula sa isang partikular na segment ng chart. Kailangan ang zoom na pag-scroll para sa teknikal na analysis, na ang tunguhin ay ang maghanap ng mga pattern sa historical period ng chart. Sa OLYMP TRADE, nasa ilalim ng quotes chart ang zoom.

Ano ang mga opsyon at paano ako magte-trade sa mga ito?

Ang isang opsyon ay isang tool sa stock market para sa pagkita ng pera sa pamamagitan ng paghula sa kung bababa ba o tataas ang presyo ng isang asset. Maaaring kumita ng pera ang mga trader kung tumaas lang ang presyo ng 1 puntos. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang seksyong "Paano magsimula."

Paano ako magsisimulang mag-trade?

Dapat kang magrehistro sa aming website: OLYMPTRADE.COM.

Pagkatapos na pagkatapos ng pagrehistro, awtomatikong binubuksan ang isang trading account, at maaari kang magdeposito. Sa OLYMPTRADE, ang minimum na halaga ng pag-trade ay $1 / €1, at ang minimum na pagdeposito ay $10 / €10.

Ang mga opsyon ay isang tool na simple lang para sa mga baguhan.

Binubuo lang ng ilang hakbang ang algorithm sa pag-trade:

  1. Pumili ng asset.
    Sa OLYMP TRADE, may access ka sa mga sumusunod na asset: EUR/USD, USD/JPY, GBP/USD, USD/СHF, USD/RUB, AUD/USD, EURRUB, USD CAD, EUR JPY, EUR СHF, Bitcoin, Apple, Boeing, Facebook, Google, IBM, Tesla, Coca-Cola, McDonald\\'s, Microsoft, Visa, Starbucks, MGA COMMODITY, pilak, ginto, BRENT, DAX, S&P 500, NASDAQ, Dow Jones, AUD/CAD, AUD/СHF, AUD/JPY, AUD/NZD, CAD/СHF, CAD/JPY, СHF/JPY, EUR/AUD, EUR/CAD, EUR/GBP, EUR/NZD, GBP/AUD, GBP/CAD, GBP/СHF, GBP/JPY, GBP/NZD, NZD/CAD, NZD/СHF, NZD/JPY, NZD/USD, USD/SGD, USD/MXN, USD/NOK, USD/CLP, natural na gas (NG), tanso, platinum, CAC 40, EURO STOXX 50, Hang Seng Index, Nikkei 225, RUSSELL 2000, FTSE 100, BMW, Nintendo.
  2. Magpasya kung magkano ang ii-invest mo.
    Mag-iiba-iba ang iyong pag-payout depende sa iyong investment. Kung matagumpay kang magbukas ng isang opsyon, maaaring umabot ang kita mo nang 100%. Direktang nakadepende ang kita mo sa pagiging volatile ng market. Kung mas mataas ang pagiging volatile, mas mataas din ang iyong kita.
  3. Itakda ang oras kung kailan mapapatunayang tama ang iyong hula (oras ng pag-execute) pagkatapos nito.
    Sa OLYMPTRADE, may mga hanay ka ng panahon na mula isang minuto hanggang 3 oras.
  4. Magdesisyon kung tataas ba o bababa ang presyo ng asset at pindutin ang alinman sa button na Up (kung sa tingin mo ay tataas ang presyo), o sa button na Down (kung sa tingin mo ay bababa ang presyo).
  5. Hintaying mag-expire ang trade.

Paano ko ide-delete ang aking account?

Maaari lang i-block ang account. Para i-block ang iyong account, kailangan mong makipag-ugnayan sa departamento ng suporta sa mga kliyente sa support-en@olymptrade.com o maaaari kang tumawag sa amin sa: +357 22007136

Ano ang pagiging volatile ng market?

Ang volatility ay ang pagbabago-bago sa pagiging volatile – hindi matatag at pagbabago-bago sa presyo sa palitan sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon. Isa ibang salita: isa itong istatistikal na indicator pampinansyal ng pagbabago-bago sa presyo. Para sa mga trader, napakahalagang indicator nito, dahil, kapag pumipili ng asset, kailangang malaman ng isang trader kung saang mga pagtaas-baba ito sumasailalim. Dahil sa volatility figure nagiging posibleng i-assess ang panganib sa pag-invest sa isang partikular na asset. Kung mas volatile, mas mataas ang panganib. Kasabay nito, dahil sa volatility figure, nagiging posible rin para sa trader na tantyahin ang patensyal na kita.

Ano ang oras ng pagpapatupad ng opsyon (oras ng pag-expire)?

Ito ang yugto ng panahon, sa dulong bahagi nito awtomatikong sinasara ang trade, ibig sabihin, isinasagawa ito. Sa OLYMPTRADE, maaari kang pumili ng mga hanay ng oras mula 1 minuto hanggang 3 oras.

Pakitandaang maaari mo mismong kanselahin ang isang trade. Kung malaman mong mali ang iyong hula at maling direksyon ang tinutumbok ng chart pagkatapos mai-execute ang isang pag-trade, maaari mong kanselahin ang iyong trade at iwasan ang lubusang pagkalugi ng iyong investment. Sa seksyong "Mga Trade Ko" (sa column na Pagbenta) maaari mong makita ang halaga ng pag-refund kung nakansela ang isang trade (maaari mong mabawi ang hanggang 120% ng investment depende sa kung kailan nakansela ang trade). Kung ayaw mong magkansela ng isang trade, kailangan mong mag-click sa button na may halaga ng return at pagkatapos ay kumpirmahin ang maagang pagbenta.

Ano ang mga asset?

Kasama sa mga asset ang mga pares ng currency, stock, index, at commodity. Ang mga batayang asset na ito ang pundasyon ng alinmang opsyon. Kapag nagte-trade ka sa mga opsyon, maaari kang mag-trade sa mga pares ng currency, mga commodity (ginto, langis), mga pangunahing index sa stock exchange at mga stock. Maaari mong suriin ang kumpletong listahan ng mga asset at ang oras ng pag-trade para sa bawat isa sa mga ito sa angkop na seksyon ng aming site na Mga Asset».

Paano ko isasara nang maaga ang isang trade?

Sa platform ng Olymp Trade, maaari kang magsara ng isang trade bago ang oras ng pag-expire ng opsyon. Nakadepende ang pag-refund sa pagbabago sa presyo ng asset. Kung mas aktibo ang galaw ng chart ng presyo sa direksyon ng trade na pinili mo, mas malaki ang refund kapag nabenta ang opsyon. Kung gumalaw ang chart ng presyo nang taliwas sa iyong hula, maaaring bumagsak ang halaga ng refund sa zero. Maaaring umabot ang maximum na refund hanggang sa 120% ng investment. Hanggang 100% para sa mga asset na cryptocurrency. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng trade, maaari kang makakuha ng hanggang 20% na net na kita nang hindi na naghihintay sa oras ng pag-expire. Magiging hindi aktibo ang mga function sa trade sa pagbebenta kung wala nang 1/6 ng oras ang natitira bago ang pag-expire.

Ano ang pagiging liquid ng asset?

Ang liquidity ay ang kapasidad ng asset na maibenta nang mabilis na may minimum na pagkaluging kaugnay ng bilis ng pagbenta. Sa ibang salita, ang ibig sabihin ng liquid ay ang kakayahang ma-convert sa pera. Ang mga currency ang pinaka-liquid na asset. Ang pumapangalawa sa pagiging liquid ay ang mga gilt-edged na security. Sa market ng mga security, direktang nakadepende ang pagiging liquid sa volume ng pag-trade para sa isang asset at sa bilang ng kasalukuyang mga alok sa pagbili at pagbenta. Pumapangatlo ang mahahalagang metal. Ang mga metal gaya ng ginto, pilak, platinum at palladium ay mga exchanged-traded commodity. Tinutukoy ang presyo ng mga ito sa mga center ng pandaigdig na trade, sa New York at London. Ang mga bara ng mga metal na ito ay potensyal na mabenta anumang oras at nang may mga minimal na pagkalugi.

Kung mas liquid ang asset, mas kaunti ang panganib nito para sa investor.

Ano ang mga opsyong call at put?

Ang call option ay binibili kapag naniniwala ang trader na mas mataas ang magiging presyo ng napiling asset kapag isinagawa ang opsyon kaysa nang bilhin ito.

Ang put option ay binibili kapag naniniwala ang trader na mas mababa ang magiging presyo ng napiling asset kapag naisagawa ang opsyon kaysa nang bilhin ito.

Maaari mong alamin ang mga kahulugan ng ibang mahahalagang termino ng opsyon sa "Mga Termino".

Ano ang isang trading system?

Ito ay isang system ng ilang component na tumutulong sa trader na magdesisyon kung magbubukas ba ng trade o hindi. Kasama sa system ang isa o higit pang tool sa analysis (fundamental, teknikal, grapikal na analysis), mga partikular na kondisyon para sa paggamit sa mga ito, mga panuntunan ng pamamahala ng pera at mga ugaling sikolohikal. Trading Strategy - isang algorithm na gumagamit ng mga indicator at iba pang tool pang-analysis at hanay ng mga partikular na panuntunan para sa pag-execute ng mga trade gamit ang mga ito. Kasama ang trading strategy (estratehiya sa pag-trade) sa trading system.

Maiwawala ko ba ang aking deposito kung tugma ang presyo ng pagkakabili sa presyo ng pagsasakatuparan (fulfillment)?

Hindi nawala ang deposito; sa sitwasyong ito, ibinalik ang halaga ng opsyon sa trader.

Ano ang isang walang panganib na pag-trade?

Halimbawa: ang limit sa pag-trade na walang panganib ay $100. Ang ibig sabihin nito, pagkatapos ng pag-activate, maaari kang magbukas ng trade na hindi lalampas sa 100 USD. Kung mali ang iyong hula, ibabalik namin ang hanggang 100 USD sa iyong account sa pag-trade.

Maaari kang mag-activate ng isang trade na ang halaga ay wala pa sa limit ng pag-trade na walang panganib. Halimbawa: ang limit sa pag-trade na walang panganib ay $100. Na-activate mo ang pag-trade na walang panganib, pero 80 USD ang inilagay mo sa "halaga ng pag-trade." Kung mali ang iyong hula, ibabalik namin ang hanggang 80 USD sa iyong account. Gayunpaman, hindi ibabalik ang pagkakaiba sa pagitan ng limit ng pag-trade na walang panganib at ng piniling halaga ng trade.

Paano kumikita ng pera ang mga trader sa Forex market?

Kumikita ang mga forex trader sa pagkakaiba sa mga halaga ng palitan para sa mga currency at iba pang asset. Halimbawa, naniniwala ang isang trader na tataas ang halaga ng palitan ng EUR/USD mula 1.11000 papuntang 1.12000. Nag-UP trade siya para sa isang partikular na halaga. Kung tama ang hula, kikita ang pag-trade. Isa pang halimbawa: naniniwala ang isang trader na babagsak ang halaga ng US dollar laban sa Japanese yen. Sa kasong ito, maaari siyang magbukas ng Down trade at, kung bumagsak ang halaga ng palitan ng USD/JPY, kikita rin ang pag-trade. Dedepende ang halaga ng kita sa halagang na-invest, sa ginamit na multiplier, at kung gaano kalaki ang ibababa o itataas ng presyo.

Paano naiiba ang Forex market sa market ng mga opsyon?

Sa Forex market, nakadepende ang kita sa halaga ng pag-trade at kung magkano ang itataas o ibababa ng presyo. Isa pa, ang trader mismo ang magdedesisyon kung kailan isasara ang kasalukuyang trade.

Sa mga opsyon sa pag-trade, kailangang hulaan ng trader ang direksyon ng presyo at ang time frame kung para saan valid ang hula. Nakatakda ang halaga ng kita: hindi maaaring kumita ang trader nang higit sa itinakdang halaga nang buksan ang trade.

Ano ang pangunahing bentaha ng Forex market?

Sa market ng currency, maaaring mag-trade ang trader para sa mga halagang siobrang lampas sa halaga ng pondo sa kanyang trading account. Maaari niya itong gawin sa tulong ng espesyal na tool sa pag-trade, ang multiplier. Gamit ang multiplier, magte-trade ang trader nang 50/100/150/200 beses na mas malaki kaysa halaga ng pag-trade na inilagay niya (security). Ipagpalagay nating sabay na nagdesisyon ang dalawang na mag-Up trade sa pares na EUR/USD mula 1.11000. Nag-invest ang unang trader ng $100 sa trade, pero hindi niya ginamit ang multiplier. Nag-invest din ng $100 ang ikalawang trader, pero gumagamit siya ng multiplier na 200. Tumaas ang EUR/USD chart sa 1.12000 at parehong isinara ng dalawang trader ang kanilang trade. Ang magiging kita ng unang trader ay mga $1. Ang magiging kita ng ikalawang trader ay katumbas ng $200. Nakakatulong ang multiplier na taasan ang rate ng return, pero maaari din nitong taasan ang pagkalugi.

Maaari bang ako mismo ang pipili ng halaga ng trade?

Oo, ang minimum na trade ay $1/1 euro/100 ruble. Ang maximum na halaga ng pag-trade ay $2,000.

Gaano karaming trade ang maaari kong buksan nang sabay?

Hindi pinapayagan ang mahigit sa 10 trader.

Paano kumikita ang Olymp Trade?

Naniningil ang Kumpanya ng komisyon para sa bawat binuksang trade, at nakadepende ang laki nito sa lagi ng trade at asset. Sa katulad na paraan, nagbabayad ang trader ng maliit na komisyon para sa pag-rollover sa susunod na araw ng pag-trade. Walang komisyon para sa pagsasara ng trade.

Anong mga istilo sa pag-trade ang ginagamit sa Forex?

There are three popular trading styles::

  • Intraday trading or scalping: all transactions are carried out within a day. Traders try not to roll open trades over night. It is the most popular style because it allows for making a large number of trades during a trading session with a small, but steady profit. Successful scalpers enjoy a steady income.
  • Medium-term style. Traders applying this style spend more time analyzing market trends, trying to pick the time to open a trade as precisely as possible. As a rule, trades are made for a period from two-three days to a week. Traders try not to roll trades over a weekend to protect their money as much as possible from force majeure and political events that might adversely affect the trade outcome.
  • Long-term style. The main goal of a trader applying this style is high long-term profit. Traders are ready to wait a long time to implement an investment idea. It is suitable for users with a lot of capital.

How can I protect the income on a current trade and limit my loss?

To safeguard your money or lock in income on an open trade, we recommended using the automated "take profit" and "stop loss" services. When the profit set in the Take Profit parameter is reached, it is automatically locked in. If the loss indicated in the Stop Loss is reached, the trade is automatically closed.

These services are triggered even if the trader is not on the platform.

At what time can I trade on Forex?

Forex comprises numerous platforms worldwide, so trading goes 24 hours a day from Monday through Friday. Auctions open on Monday at 9:00 pm GMT and close at 9:00 pm GMT on Friday.

May komisyon ba sa account servicing?

Kung sa loob ng 180 na araw ay walang magaganap na kahit anong operasyon sa trading (mga transaksyon) sa kanilang tunay na account, o wala din ginawang pagdagdag o pag-withdraw ng pondo ay magkakaroon ng service commission (subscription fee) ng halagang $10 (sampung dolyar) o katumbas ng halagang ito sa account currency na mababawas sa kanilang account buwan-buwan. Ang panuntunan ay itinakda sa sugnay 3.5 ng Non-trading Transaction Policy at KYC/AML Policy.

Kung wala nang sapat na pondo sa account ng kliyente upang mabayaran ang halaga ng sevice, magiging katumbas ng commission amount ang natitirang pondo sa account, at ang mga bonus funds at risk-free trades ay makakansela. Kung ang kliyente ay may zero balance, ang komisyon ay hindi ma-dedebit at hindi ka magkakaroon ng utang sa kumpanya.

Kung ang isang trader ay may mahigit sa isang account na walang activity sa loob ng anim na buwan, isa lang sa kanyang mga accounts ang babawasan ng subscription fee. Nasa kumpanya ang karapatan na pumili kung alin sa mga accounts ang babawasan. Hihinto na ang pagbabayad sa oras na magsimula na ulit maging aktibo ang kliyente, ito ay bago ang unang trading o non-trading na operasyon sa tunay na account.

Para maiwasang magbayad ng subscription fee ng kliyente, kailangang mag bukas ng kahit isang trading operation (transaksyon) sa tunay na account o gumawa ng non-trading operation (deposit/withdrawal) sa loob ng 180 na araw.

Ang history ng mga binayarang subscription fees para sa debiting ay matatagpuan sa trades section ng personal account.

Can it happen that I would owe the company something?

No, this situation is impossible. The loss on a trade will not exceed the trade amount entered by the trader. If the trader uses a stop loss, the loss will be based on the closure of the trade at the current market price when the stop loss triggered, but the maximum loss cannot exceed the trade amount.

Stop loss at Take profit

Kusang isinasara ng Take profit ang trade sa profit level na iyong naunang itinakda. Kusang isinasara ng Stop loss ang trade sa loss level na iyong itinakda at pinoprotektahan ang kabuuang halaga ng trade.

Ang settings ng Stop loss at Take profit ay tumutulong para magsara ng mga trades sa tamang oras nang hindi sila tinututukan sa platform.

Para i-set ang Stop loss at Take profit, matapos gawin ang trade, i-install ang feature na ito sa iyong dashboard.

Multiplier

Ang pangunahing kalamangan ng forex market ay ang multiplier. Itinataas nito ang halaga ng trade, at ang iyong potensyal na kita ng sampung ulit. Ang laki ng multiplier ay nakadepende sa asset at puwede maging 50, 100, 200, o 500.

Ang multiplier ay nakakaapekto lang sa halaga ng trade. Ang pinaka malaking pagkalugi ay limitado sa halaga ng trade.

i-edit ang multiplier ayon sa iyong nais at kahilingan. Para gawin ito, paganahin ang setting na ito sa iyong dashboard.

Komisyon

May dalawang uri ng mga komisyon sa Olymp Trade Forex at ang laki nila ay nakadepende sa trading asset at sitwasyon ng market:

  • trading commission;
  • overnight commission.

karaniwang gawain na ng kahit sinong broker na mag debit ng mga komisyon. Ang mga brokers ay nagtatakda ng halaga ng komisyon ayon sa kanilang kagustuhan.

Trading commission:

Makikita mo ito pag nagawa na ang trade. Ang halaga ng komisyon ay nakadepende sa multiplier na pipiliin mo.

Halimbawa:

  • Pinili mo ang multiplier na 500.
  • Ang halaga ng trade ay $100.
  • Ang ibig sabihin nito ay $50,000 ang kabuuang halaga ng trade.
  • Ang halaga ng trading commission ay 0.024%.
  • 0.024% ng $50,000 ay $12.
  • Ang trading commission para sa pagbubukas ng trade na may halagang $100 ay 12%.

Mas malaki ang multiplier, mas malaki ang oportunidad upang kumita. Ganun pa man, ang halaga ng komisyon sa kasong ito ay mas malaki dahil ginamit mo sa trade ang pondo ng broker. Ang pinaka malaking komisyon na may multiplier na 500 ay 15%; sa ibang multipliers — 7.5%.

Rollover:

Ang overnight commission ay nade-debit tuwing 9:00 pm UTC sa mga araw na may pasok. Ang halaga nito ay hindi lalagpas sa 15% na halaga ng trade na may multiplier na 500 at 7.5% sa ibang multipliers.

Ang komisyon ay hindi nade-debit tuwing weekends.

Makikita mo ang kasalukuyang daily rates sa Tools specification section.

Halimbawa:

  • Pinili mo ang multiplier na 500.
  • Ang halaga ng trade ay $100.
  • Ang ibig sabihin nito, ang kabuuang halaga ng trade ay $50,000.
  • Ang overnight commission ay 0.01150%.
  • 0.01150% ng $50,000 ay $5.75.
  • Ang halaga ng overnight commission ay 5.75% na halaga ng trade.

Kita

Makikita mo ang potensyal na kita para sa bukas na trade, kasama ang lahat ng mga komisyon, sa ibaba mismo ng chart.

Kung ang trade ay nasa berdeng bahagi, ibig sabihin nito, ang kasalukuyang kita sa trade ay sakop na ang lahat ng mga komisyon.

Ang Kita ay kalkulado gamit ang mga sumusunod na pormula:

(Ang distansya sa pagitan ng opening price at closing price: opening quote) * kabuuang halaga ng trade - mga komisyon.

Kabuuang halaga ng trade = halaga ng trade * multiplier.

Halimbawa:

  • Pinili mo ang EUR/USD asset.
  • Ang opening price ay 1.11650.
  • Ang multiplier ay 500.
  • Ang halaga ng trade ay $100.
  • Ang komisyon para sa opening trade ay $13.
  • Sa ilang oras ang presyo ng asset ay tataas ng 0.0007.
  • Ang kita ay $18.34 (Ang kita kasama ang pondo na binigay ng broker ay $31.34 ibawas ang komisyon na $13).

Hindi ko maisara ang trade

Maaari mong isara ang trade sa kahit anong oras tuwing asset trading session. Kung hindi mo maisara ang trade, i-set ang Take profit at Stop loss at kusang magsasara ang trade sa paguumpisa ng trading session. Puwede mong makita ang schedule sa assets page.

Bakit mayroon kang isang opening quote?

Pinasimple namin ang mga komisyon para sa opening trades. Isinama namin ang halaga na isinama ng ibang mga brokers sa spread sa trading commission.

Sa Forex market, ang spread ay hindi lang binubuo ng kondisyon ng market, kundi pati narin ng broker, dahil ang spread premium ay isa sa mga uri ng natatagong komisyon ng broker.

Nag desisyon kami na gawing mas madali ang komisyon: hindi mo na kailangang magkalkula ng kahit na ano. Makikita mo ng maaga ang trading commision.

Mayroon ka bang SWAPs?

Ang rollover sa Forex market ay isinasagawa ng market swaps, na puwede maging negatibo o positibo, depende sa agwat ng mga interest rates.

Wala tayong swaps, pero mayroong daily commission, ang halaga nito ay makikita mo saTools specification page.

Ang overnight commission ay made-debit tuwing 9:00 pm UTC sa mga araw na may pasok at hindi lalagpas sa 15% na halaga ng trade. Kadalasan ito ay talagang mas mababa sa 15%.

Nag desisyon kami na huwag gumamit ng swaps para gawing mas madali para sa iyo na mahulaan ang halaga ng overnight commission at mabilis na makapag desisyon kung mag sasara ng trade o papagulungin ito.

Stop out, bakit kusang nagsara ang trade?

Nilimitahan namin ang halaga ng pagkalugi base sa halaga ng trade, nang sa ganun ay hindi maubos ang lahat ng dineposito ng kliyente dahil sa aksidenteng pagkakamali. Tutulungan ka nito upang makontrol ang sitwasyon, mapaglabanan ang emosyon, at agad na mai-lock ang pagkalugi. Kung mali ang iyong hula, kusang magsasara ang trade kapag ang pagkalugi mo ay katumbas na ng halaga ng trade.

Puwede ko ba munang buksan ang trade?

Para makapagbukas ng isang trade sa partikular na oras o sa isang quote level, magbukas ng trade request. Puwede mo itong gawin sa Requests section sa ilalim ng chart.

Paano ako gagawa ng aking forecast?

Maaari mong gamitin ang isa sa dalawang pamamaraan o gamitin sila ng sabay.

  • Ang technical analysis ay paraan upang maanalisa ang market, base sa pagbabago ng patterns sa presyo ng asset sa nakaraan at kasalukuyan. Upang matukoy ang isang trend, ilang pamamaraan ng technical analysis ang puwedeng gamitin: chart, candlestick, indicator.

    Ang chart analysis ay ang pagaanalisa sa chart patterns na ginagamit upang matukoy ang paggalaw at reversal ng trend. Ang Candlestick analysis ay ang pagaanalisa ng Japanese candles at mga kombinasyon nito na nagbibigay ng signal ng reversal o pagpapatuloy ng trend.

    Ang indicator analysis ay ginagawa gamit ang mga indicators at oscillators. Ang mga indicators ay base sa mga mathematical calculations at tumutulong matukoy ang galaw ng presyo. Puwede mong matutunan kung paano gamitin ang mga indicators sa Education and Assistant sections.

  • Ang fundamental analysis ay naka base sa pagaaral ng financial at economic conditions ng bansa, stocks, o mga industriya. Pinagaaralan ng mga traders ang mga forecasts, news, reports at mga ratings upang malaman ang galaw ng presyo ng asset. Maaari mong makita ang mahahalagang balita sa Economic calendar.

Paano ko kakalkulahin ang aking kita?

Ang kita mo mula sa isang trade ay maaaring umabot nang 100% ng halaga na na-invest. Direktang nakadepende ang kita sa porsyento ng return. Kung mas mataas ang rate ng return, mas mataas din ang iyong kita.

Nakadepende ang rate ng return sa ilang salik:

  1. Ang nangyayari sa market (pagiging volatile, pagiging liquid)
  2. Balanse sa loob ng kumpanya. Tinutukoy ng awtomatikong algorithm ng panganib ang bilang ng mga binuksang trade sa pagbili at pagbenta ng bawat asset. Ang bilang ng mga seller at buyer na kadalasang balanse. Kapag mas mabigat ang isang panig, hinahati ng Kumpanya ang profitability para sa asset na hindi balanse para mabawi ang mga gastos. Pero sa anumang sitwasyon, buong ibinabayad sa kliyente ang kita mula sa mga matagumpay na pag-trade.

Magkano ang minimum na halaga sa pagdeposito?

Ang minimum na halaga ng pagdeposito ay $10 / €10 &.

May komisyon ba sa account servicing?

Kung sa loob ng 180 na araw ay walang magaganap na kahit anong operasyon sa trading (mga transaksyon) sa kanilang tunay na account, o wala din ginawang pagdagdag o pag-withdraw ng pondo ay magkakaroon ng service commission (subscription fee) ng halagang $10 (sampung dolyar) o katumbas ng halagang ito sa account currency na mababawas sa kanilang account buwan-buwan. Ang panuntunan ay itinakda sa sugnay 3.5 ng Non-trading Transaction Policy at KYC/AML Policy.

Kung wala nang sapat na pondo sa account ng kliyente upang mabayaran ang halaga ng sevice, magiging katumbas ng commission amount ang natitirang pondo sa account, at ang mga bonus funds at risk-free trades ay makakansela. Kung ang kliyente ay may zero balance, ang komisyon ay hindi ma-dedebit at hindi ka magkakaroon ng utang sa kumpanya.

Kung ang isang trader ay may mahigit sa isang account na walang activity sa loob ng anim na buwan, isa lang sa kanyang mga accounts ang babawasan ng subscription fee. Nasa kumpanya ang karapatan na pumili kung alin sa mga accounts ang babawasan. Hihinto na ang pagbabayad sa oras na magsimula na ulit maging aktibo ang kliyente, ito ay bago ang unang trading o non-trading na operasyon sa tunay na account.

Para maiwasang magbayad ng subscription fee ng kliyente, kailangang mag bukas ng kahit isang trading operation (transaksyon) sa tunay na account o gumawa ng non-trading operation (deposit/withdrawal) sa loob ng 180 na araw.

Ang history ng mga binayarang subscription fees para sa debiting ay matatagpuan sa trades section ng personal account.

Ano ang minimum na halaga ng pag-trade?

Ang minimum na halaga ng pag-trade sa aming platform sa pag-trade ay $1 / €1.

Mayroon bang anumang bayarin para sa pagdeposito o pag-withdraw ng pondo?

Hindi, inaako ng OLYMPTRADE ang lahat ng komisyon.

Paano ako magdeposito?

Para makapagdeposito sa iyong account, kailangan mong piliin ang seksyong «Deposito» sa iyong Dashboard, piliin ang paraan ng pagbabayad, punan ang halaga ng idedeposito ($10 / €10 ang minimum), at pagkatapos ay mag-click sa button na Magdeposito. Aalukan ka ng bonus sa pagdeposito. Kung ayaw mong tanggapin ang bonus na ito, dapat mong i-click ang button na “Kanselahin ang bonus” at sundin ang mga tagubilin.

Maaari ko bang gamitin ang aking bank card para magdeposito?

Oo, sa OLYMPTRADE maaari kang magdeposito gamit ang isang bank card.

Paano ako makakapag-withdraw ng pondo?

Para mag-withdraw ng pondo, kailangan mong magsumite ng kahilingan sa iyong Dashboard. Pumunta sa seksyong “Pag-withdraw,” piliin ang paraan ng pag-withdraw, punan ang halaga at i-click ang “Isumite ang kahilingan.”

Ang maximum na tagal ng pag-withdraw ay 5 araw ng negosyo, bagaman lagi naming susubukang isagawa ang iyong kahilingan nang mabilis hangga’t maaari. Kadalasan, 90% ng mga kahilingan ay pinoproseso sa loob ng 24 na oras o sa susunod na araw ng negosyo.

Mga paraan ng pag-withdraw

Maaari ka lang mga-withdraw ng pondo sa source na ginamit mo sa pagdeposito. Ang listahan ng mga available na paraan sa pagdeposito at pag-withdraw ng pondo ay makikita mo rito: https://olymptrade.com/cabinet#tab=recharge

Magkano ang minimum na halaga sa pag-withdraw?

Ang minimum na halaga sa pag-withdraw ay $10 / €10 depende sa currency sa iyong account.

Kailangan ko bang ma-verify?

Magagamit ang verification kapag ikaw ay nag request. Habang nagpaparehistro, makatatanggap ka ng email na nagsasabi kung kinakailangan mong ipasa ang verification. Bilang panuntunan, hinihiling ang mga sumusunod na dokumento para mag-verify ng kliyente:

  1. Isang may kulay na kopya (scan/larawan) ng page spread ng passport o ID card.
  2. Iyong larawan kasama ang dokumento (passport o id) sa expanded form. Dapat ay malinaw sa larawan ang iyong mukha at data sa dokumento.
  3. Patunay ng Tirahan.
  4. Kumpirmasyon ng paraan ng pagbabayad na ginamit sa account ng pag-trade.

Saan ko ipapadala ang mga dokumento?

Maaari mong i-upload ang iyong mga dokumento mula sa iyong profile page. Ang section para sa pag-upload ng mga dokumento ay magbubukas matapos matanggap ang iyong request para sa verification.

Gaano katagal ang inaabot ng pag-verify?

Umaabot ang pagproseso ng mga dokumento na ipinadala ng Kliyente nang hanggang limang araw ng negosyo.

Paano ko malalaman ang resulta ng pag-verify ng dokumento?

Matapos makumpleto ang verification, makatatanggap ka ng notificaion sa platform o sa iyong email.