Glosaryo

Trader

Ang taong nagbubukas ng mga trade sa market na ang layunin ay kumita. Lahat ay maaaring maging trader, kailangan mo lang mag-execute ng isang trade.

Opsyon

Ito ang isa sa mga derivative na instrumentong pampinansyal, ibig sabihin, ang kontrata sa pagtupad sa isang partikular na kondisyon,
pero hindi sa isang aktwal na pagbili ng asset.

Opsyon sa currency

Isang opsyon na batay sa pares ng currency. Ang pag-trade sa instrumentong ito ay nagsasangkot ng paghula sa mga pagbabago sa halaga ng isang currency may kaugnayan sa isa pang currency.

Inisyal na presyo o Strike price

Ang presyo ng napiling asset sa oras ng pagbubukas (pagbili ng opsyon) ng trade, na dapat ay alinman sa tumaas o bumagsak sa loob ng tinukoy na oras ng pag-trade.

Pagtaas ng presyo o Call Option

Dapat na magbukas ang trader ng taya sa pagtaas ng presyo, kung naniniwala siyang mas magmamahal ang pares ng currency. Tinatawag ang uring ito ng pag-trade na Call Option. N,Kung sigurado kang tataas ang presyo, kung gayon, mag-click sa button na "Up."

Halaga ng pag-trade

Ito ang halaga kung saan nakadepende ang kita. Sa katunayan, ito ang halaga ng pag-trade, ang presyo ng opsyon na maaari mong subaybayan nang sarili mo. Kung tama ang hula, tatanggap ang trade ng 80% ng halaga ng pag-trade.
Ang minimum na halaga ng pag-trade sa OLYMP TRADE ay $1 / €1.

Pag-expire o Pag-execute ng option

Ang pagsasara ng trade, ibig sabihin, ang oras kung kailan winawakasan ang opsyon paglipas ng naunang tinukoy na yugto ng panahon.

Pagkansela sa trade

Nagbibigay sa iyo ang feature na ito ng hedging instrument para protektahan ang iyong sarili mula sa negatibong resulta sa pag-trade. Kung malaman mong mali ang iyong hula at maling direksyon ang tinutumbok ng chart pagkatapos maipatupad ang isang kontrata, maaari mong kanselahin ang iyong trade at iwasan ang lubusang pagkawala ng iyong investment.

Deposito

Ito ang balanse ng iyong trading account, ibig sabihin, ang halaga ng pera sa iyong account nang magsimula kang mag-trade.

Trend

Isang matatag na direksyon ng presyo sa market sa mahabang yugto ng panahon. Isang matatag na pagtaas o pagbagsak na maaaring mapansin sa pamamagitan ng pagbalewala sa mga bahagyang pagtaas-baba.

Diversification (pagsasama-sama)

Ang paraan ng pagbawas sa panganib habang nagte-trade sa mga opsyon, na nagsasangkot ng pagbili ng iba't ibang asset na hindi magkakaugnay . "May maipapanalo ka, may maipapatalo ka."

Opsyong commodity

Isang opsyon na batay sa commodity. Kadalasan, ito ay langis, mamahaling metal o produkto ng industriya ng pagkain.

Opsyon sa index

Isang opsyong batay sa mga index ng stock, gaya ng Dow Jones, RTS, S & P 500, DAX at iba pa.

Sesyon ng pag-trade

Ang mga oras ng operasyon ng pinakamalalaking stock exchange na pinagpapangkat ng rehiyong pang-ekonomiya. Mayroong 4 na pangunahing sesyon sa pag-trade: Asia, Europe, Australia, at America.

Forex, mula sa English na "foreign exchange"

Isa itong internasyonal na market ng palitan ng pera.

Asset

Sa market pampinansyal, binibili o binebenta ito at kumakatawan sa isang partikular na halaga para sa mga trader.

Pares ng currency

Ang ratio ng presyo ng isang currency sa presyo ng isa pang currency.

Batayang currency

Ito ang currency na nauuna sa pares ng currency.

Quote

Ang presyo kung magkano ka magte-trade.

Pagiging volatile

Isang parameter na tumutukoy sa lawak ng pagbabago ng presyo.

Point

Unit ng panukat ng paggalaw ng presyo. Ang ikaapat na pwesto pagkatapos ng decimal point na nagsasaad ng whole point, maliban sa: mga pares ng currency na may Japanese yen (JPY), ginto (XAU) at pilak (XAG), kung saan ang whole point ay isinasaad ng ikalawang pwesto pagkatapos ng decimal. Ang mga pwesto pagkatapos ng whole point ay tinatawag na mga "micropoint."

Multiplier

Isang pampinansyal na serbisyo na nagbibigay-daan sa pagpapalaki ng trade sa pamamagitan ng factor na 50/100/150/200 may kaugnayan sa halaga ng investment. Maaaring itakda ng trader ang multiplier ayon sa sarili niyang pasya.

Mga pangunihang pares

7 pinakapopular na pares ng currency: EUR/USD, GBP/USD, USD/CHF, USD/JPY, USD/CAD, AUD/USD, NZD/USD.

Cross rate

Ang ratio ng mga presyo ng dalawang currency na hindi kasama ang US dollar.

Currency ng commodity

Ang currency ng bansang may ekonomiyang nakabatay sa commodity (Russia, Australia, New Zealand, atbp.)

Take profit

Isang serbisyo para sa awtomatikong pagsasara ng trade na may kita. Kapag umabot sa paunang itinakdang kita ang resulta ng pag-trade, awtomatikong isasara ang trade, at mala-lock in ang resulta sa pinansyal.

Stop loss

Serbisyo ng awtomatikong pagsasara ng natatalong trade. Kapag naabot na ang paunang itinakdang pagkatalo sa trade, awtomatiko itong nagsasara sa kasalukuyan presyo ng market

Stop out

Isang serbisyo para sa awtomatikong pagsasara ng natatalong trade na tumutulong na iwasang bumagsak sa zero balanse ng trader. Ang stop out na katumbas sa 100% ng halagang na-invest sa trade. Kung ang negatibong resulta ng bukas na trade ay katumbas ng halagang na-invest sa pag-trade, awtomatiko itong magsasara

Halimbawa, nag-Up trade ang trader ng $10 sa pares na EUR/USD. Nagsimulang bumagsak ang presyo ng asset at ipinapakita ang resulta sa pag-trade bilang negatibong halaga. Awtomatikong magsasara ang trade agad-agad pagkatapos maging minus $10 ang kita.

Margin call

Serbisyo ng awtomatikong pagsasara ng natatalong trade. Kapag naabot ang patiunang itinakdang pagkatalo, awtomatiko nito itong isasara sa kasalukuyang presyo ng market.

Broker

Ang tagapamagitan sa pagitan ng malalaking organisasyong pangkomersyo at mga retail trader sa mga market pampinansyal. Nagbibigay ang OLYMP TRADE sa mga trader nito ng access sa market ng mga opsyon.

Mga Opsyon

Ang pinakasimple at pinaka-transparent na instrumentong pampinansyal. Isa itong opsyon na, depende sa lagay ng panahon, natutugunan ang tinukoy na kondisyon sa tinukoy na oras, alinman sa nagreresulta sa kita o sa wala.

Point (pips)

Ito ang minimum na pagbabago sa halaga ng palitan para sa isang pares ng currency. Kino-quote ang lahat ng pares ng currency hanggang sa ikaapat o ikalimang decimal place. Ang mga eksepsyon ay ang USDJPY at USDRUB, na kino-quote hanggang sa ikatlong decimal place.

Underlying asset (Batayang asset)

Isang asset kung saan ka nagbi-bid para baguhin ang presyo. Ang mga asset na ito ay maaaring mga pares ng currency o mga commodity (langis, ginto). Kadalasang mas gusto ng mga baguhan na magsimula sa mga pares ng currency.

Presyo sa market

Ang pinakahuling inanunsyong presyo ng isang asset sa sandaling iyon.

Pagbaba ng presyo o put option

Dapat magbukas ang trader ng down trade, kung sa tingin niya babagsak ang presyo ng napiling asset. Tinatawag ang uring ito ng pag-trade na Put Option. Kung sa tingin mo bumababa ang presyo, pindutin ang “Down” na button.

Oras ng pag-trade

Ito ang yugto ng panahon, kung saan pagkatapos nito, nakukumpleto ang pag-trade. Kung bumili ka ng call-option, kung gayon, pagkatapos ng pag-expire dapat na mas mataas ang presyo ng asset, kung bumili ka ng put-option, kung gayon dapat na mas mababa ang presyo.

Level ng pag-execute ng opsyon o Level ng pag-expire

Ang presyo para sa napiling asset kapag nag-expire ang opsyon. Ito ang resulta na dapat hulaan ng trader. Para sa pag-trade ng mga opsyon, hindi mahalaga ang eksaktong rate ng presyo, dapat lang hulaan ng trader kung mas mataas ba o mas mababa ang presyo kaysa sa presyo ng asset nang buksan ang trade.

Kita

Ito ang iyong kita mula sa isang trade. Makikita mo kung paano nagbabago ang potensyal mong kita bilang function ng iyong investment kahit bago pa ma-execute ng kontrata. Ang kita sa pag-trade sa mga opsyon ay 80%. Dahil sa mga opsyon, palaging alam mo kung magkano ang maaari mong kitain.

Limitasyon ng entry sa market

Ang minimum na kinakailangang halaga sa account na nagbibigay-daan sa isang trader na magsimula ng pag-trade sa market. Ang minimum na balanse sa OLYMPTRADE ay $10 / €10 lang.

Mga oras ng pag-trade

Ang oras kung kailan maaaring bumili at magbenta ang isang trader ng isang partikular na asset.

Hedging

Insurance. Tumutulong sa iyo ang OLYMP TRADE na protektahan ang iyong sarili mula sa pinansyal na pagkalugi sa pamamagitan ng opsyon sa pagkansela ng trade.

Opsyong stock

Isang opsyon na batay sa stock o mga security ng mga pinakakilala at maimpluwensyang kumpanya.

Pagiging volatile

Isa itong financial indicator na sumusukat sa pagbabago-bago ng presyo ng asset. Kung mas volatile, mas mabilis magbago ang presyo ng partikular na asset. Ipinapakita nito na may mataas na interes ang mga trader sa asset. Kapag mababa ang pagiging volatile, nanatiling hindi nagbabago ang presyo sa loob ng mahabang yugto ng panahon o maaari itong magbago nang bahagya.

Komisyon

Ang singiling ipinataw ng broker para sa pagbukas ng trade at para sa pag-rollover ng psisyon sa buong mgadamag.

Ang laki ng komisyon para sa pagbubukas ng trade ay nalalaman bago isagawa ang trade at ibinabawas ito sa mismong oras na naisagawa ito.

Ang komisyon para sa pag-rollover sa posisyon sa magdamag ay sinisingil nang 9:00 pm (GMT) sa mga araw ng linggo at nalalaman na nang advance.

Mag-up trade

Ang trade na ginawa sa paniniwalang tataas ang halaga ng presyo ng asset. Tinatawag ng mga trader ang trade na ito na "long." Kaopag ginawa mo ang trade na ito, kikita ka kung tataas ang presyo. Kung mas maging mataas ito, mas marami kang kita.

Mag-down trade

Isang trade ayon sa paniniwalang bababa ang presyo ng asset. Tinatawag ang trade na itong “short.” Kikita ang Down trade kung bababa ang presyo. Kung mas mababa ito, mas malaki ang kita.

Demo account

Ang account para ihanda ang trader sa pag-trade. Nangyayari ang pag-trade sa isang demo account ng currency. Para mag-trade at magkaroon ng totoong kita, dapat magdeposito ang trader sa trading account sa pamamagitan ng ilang kumbinyenteng paraan (mga bank card, e-wallet, etc.).

Kalendaryong pang-ekonomiya

Isang pinagsama-samang listahan ng mahahalagang internasyonal na pangyayari sa ekonomiya. Kasama rito ang paglalathala ng mga istatistika para sa mga bansa at mga pahayag ng mga opisyales na may mataas na posisyon. Maaaring may malakas na impluwensya sa mga halaga ng palitan ng pera ang mga pangyayaring ito.

EUR

Ang currency ng European Union (euro)

GBP

Ang currency ng United Kingdom (British pound, pound sterling)

JPY

Ang currency ng Japan (Japanese yen)

USD

Ang currency ng United States of America (US dollar)

CAD

Ang currency ng Canada (Canadian dollar)

NZD

Ang currency ng New Zealand (New Zealand dollar)

AUD

Ang currency ng Australia (Australian dollar)

CHF

Ang currency ng Switzerland (Swiss franc)

RUB

Ang currency ng Russia (Russian ruble)

MXN

Ang currency ng Mexico (Mexican peso)

SGD

Ang currency ng Singapore (Singapore dollar)

NOK

Ang currency ng Norway (Norwegian krone)

CLP

Ang currency ng Chile (Chilean peso)